Pagamyenda sa consumer act, itutulak sa Kamara

Isinusulong ni House Committee on Trade and Industry Chairman at Valenzuela Representative Wes Gatchalian ang pag-amyenda sa Consumer Act.

Layunin ng itutulak na amyenda sa batas na higpitan ang parusa sa mga pamilihan na magpapataw ng mataas na presyo sa mga basic commodities gayong may kalamidad o sakuna na naranasan.

Ilang pamilihan at supermarkets sa Batangas na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal ang ginawan ng surprise inspection ng DTI kamakailan.


Napagalaman din na walang tamang certificate ng National Meat Inspection Service (NMIS) certificate ang ilang vendors ng baboy sa mga pamilihan doon.

Dito ay nadiksubre na lumabag ang ilang pamilihan sa presyo ng mga bottled water , asukal at iba pang pangunahing bilihin na malinaw na pagsuway sa Consumer Act.

Sa ilalim ng batas, ang mga lugar na idineklarang disaster area o nasa ilalim ng state of calamity ay dapat may pinapairal na price freeze sa mga pangunahing bilihin upang masiguro na hindi ito masasamantala ng mga negosyante.

Facebook Comments