Manila, Philippines – Pumapayag si House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles sa planong pag-amyenda sa General Appropriations Act o GAA o ang pambansang pondo kung saan nakapaloob ang budgetpara sa housing units sa Pandi, Bulacan.
Marami sa mga pabahay sa Pandi ay inokupa ng mga miyembrong KADAMAY at ibibigay na nga ng Pangulong Duterte.
Ayon kay Nograles, sa kanyang pagkaka-alam ay nasa ilalim ng 2014 GAA ang housing program para mga benepisyaryo mula sa Armed Forces ofthe Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penelogy at Bureau of Corrections.
Sinabi ni Nograles na hihintayin niya ang panukala ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez, upang mapag-aralan ang posibleng kinakailangang amyenda sa GAA at para maiwasan anganumang kwestiyon.
Kung hindi aniya maaamyendahan ang GAA ay maaari silang ireklamo ng technical malversation.
Pero sinabi ni Nograles na maaaring mag-isyu ng isang executive order o EO si Pangulong Duterte na magbabago sa listahan ng beneficiaries ng housing units sa Pandi, Bulacan.
Pagamyenda sa pambansang pondo, suportado ng Commitee on Appropriations
Facebook Comments