Pagapruba sa Department of Disaster Resilience, tiniyak ng ilang mga lider ng Kamara

Tiniyak ng ilang mga mambabatas ang agad na pagapruba ngayong 18th Congress ng panukala tungkol sa pagkakaroon ng Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang solong ahensya na tutugon sa disaster response ng bansa.

Ito ang siniguro ni House Majority Leader Martin Romualdez na siya ring Chairman ng Committee on Rules.

Naniniwala ang mga mambabatas na mas magiging epektibo ang Disaster Risk Reduction and Management ng pamahalaan, mababawasan din ang epekto o pagkasira ng mga lugar na matatamaan ng kalamidad gayundin ang pagtuturo na maging disaster resilience ang mga lokal na komunidad sa parehong natural disaster at climate change.


Paliwanag pa ni Romualdez, kung magkakaroon ng ahensya na para lamang sa disaster ay ginagarantiya nito ang mas synchronize at close coordination sa lahat ng lugar sa bansa kung saan hindi na madedelay ang anumang tulong na kakailanganin ng isang lugar na winasak ng kalamidad.

Iginiit naman ni House Deputy Speaker Raneo Abu ang agad na pagpapasa sa DDR upang agad na makapagresponde ang gobyerno sa kalamidad.

Sa loob aniya ng isang taon, 20 tropical cyclones ang tumatama sa bansa wala pa dito ang lindol at iba pang natural calamities.

Facebook Comments