PAGASA: Antas ng mga dam, patuloy na nababawasan

Inanunsyo ng PAGASA Hydrometerology Division na patuloy na nababawasan ang antas ng Angat Dam.

Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, ang Angat Dam ang pangunahing nagsusuplay ng tubig sa mga taga-Metro Manila.

Ayon sa tala ng PAGASA, nabawasan ng 36 na sentimetro ang nabawas sa antas ng Angat Dam kaninang alas-6:00 ng umaga.


Nasa 198.44 meters na ito kaninang umaga kumpara sa 198.80 meters na antas kahapon.

Dahil dito, umaabot na sa 13.56 meters ang agwat nito mula sa 212 meters na normal high water level.

Pero nasa 18.44 meters na lang ang agwat nito sa 180 meters na minimum operating level ng Angat Dam.

Paliwanag ng PAGASA na maliban sa Angat Dam ay bumaba rin ang lebel ng La Mesa, Ambuklao, Binga, Pantabangan at Caliraya.

Facebook Comments