PAGASA Dipolog, nagpaalala sa publiko sa posibleng mga pagbaha dala ng sama ng panahon

Dipolog, Philippines – Nagpaalala ngayon ang tanggapan ng PAGASA Dipolog sa publiko na mag-ingat sa mararanasang mga pag-ulan dahil sa buntot ng isang Low Pressure Area (LPA).

Sa kabila ito ng impormasyon ng weather bureau na nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing sama ng panahon.

Partikular na pinag-iingat ang mga residenteng naninirahan sa mga flood prone areas at landslide prone areas sa siyudad ng Dipolog at buong lalawigan ng Zamboanga Del Norte.


Ilan sa mga barangay ng Dipolog na prone sa baha ay ang Barangay Gulayon, Lugdungan, Turno, Dicayas, Minaog at iba pa.

Una naring naglabas ng initial flood alert ang PAGASA sa ilang bahagi ng Mindanao kasama na dito ang Zamboanga Peninsula dahil sa sama ng panahon.

Matatandaan, na ilang araw naring nakakaranas ng mga pag-ulan ang siyudad ng Dipolog at ilang bahagi ng Zamboanga Del Norte.

DZXL558

Facebook Comments