Idineklara na ng PAGASA ang pagtatapos ng hanging Amihan.
Sa isang pulong balitaan, inanunsyo ng PAGASA na nagbago na ang wind pattern mula sa northeasterly at paglakas ng air temperature sa maraming bahagi ng bansa.
Dahil dito, ito na anila ang hudyat ng pagsisimula ng warm at dry season o panahon ng tag-init.
Inaasahan na makararanas ng mas maraming bilang ng dry at warm na panahon sa mga darating na buwan.
Gayunman, makararanas din ng mga isolated thunderstorm sa gabi.
Nagpaalala naman ang PAGASA sa publiko at lahat ng ahensya ng pamahalaan na mag-ingat sa heat stress, magtipid sa paggamit ng tubig, at mag-ingat sa mga sakit na dala ng climate change.
Dahil sa epekto ng El Niño patuloy rin na magiging mababa sa normal ang mga pag-ulan na magreresulta sa mga dry spell at tagtuyot.