2 human trafficking victims na bumili ng pekeng mga dokumento sa Facebook, naharang sa NAIA

Naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang dalawang biktima ng human trafficking na nagprisinta ng pekeng mga dokumento na nabili sa Facebook.

Ang mga biktima na 51 at 30 taong gulang ay patungo sana ng Oman via Emirates flight nang maharang sa NAIA.

Sila ay kinabibilangan ng isang lalaki at isang babae na nagpanggap na bibisita lamang sa kanilang kamag-anak sa Dubai.


Gayunman, hindi na magkakatugma ang mga pahayag ng mga biktima kaya isinailalim sila sa secondary inspection.

Dito na umamin ang dalawa na nabili nila ang kanilang mga dokumento sa isang fixer na nakilala nila sa Facebook.

Pinangakuan umano sila ng trabaho bilang car painter at salon worker ng suspek.

Facebook Comments