PAGASA: Lebel ng tubig ng Angat Dam, bahagyang bumaba sa kabila ng pag-ulan

Inihayag ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division na bahagya pang bumaba ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa kabila ng mga pag-ulan.

Batay sa talaan ng PAGASA Hydrometeorology Division, bumaba pa ng 27 sentimetro ang lebel ng tubig.

Paliwanag ng PAGASA na mula sa 190.35 meters kahapon, nasa 190.08 meters ang lebel ng tubig kaninang alas-6:00 ng umaga.


Dahil dito, halos 219 na metro na ang agwat nito mula sa normal high water level ng Angat Dam.

Samantala, maliban sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig ng Ipo Dam, San Roque Dam, at Magat Dam.

Facebook Comments