PAGASA, naglabas ng El Niño watch kaugnay sa pagsisimula nito sa mga susunod na buwan

Inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Bureau ang El Niño watch dahil sa posibilidad na pag-develop nito sa mga susunod na buwan.

Sinabi ni PAGASA Administrator Dr. Vicente Malano na 55% ang probability na maranasan ang El Niño phenomenon.

Asahan na mag-develop ang El Niño mula Hulyo, Agosto at Setyembre.


Batay sa pagtaya ng PAGASA, maaring magtagal ng hanggang unang quarter ng 2024 ang El Niño.

Dahil dito, ngayon pa lamang aniya ay maglatag na ng plano ang publiko lalo na ng mga concern government agencies para sa pagtitipid sa paggamit ng tubig.

Noong martes ay una nang inanunsyo ng PAGASA ang onset o pagsisimula ng panahon ng tag-init sa bansa.

Facebook Comments