Pagawaan ng Pekeng Sigarilyo, Nadiskubre ng mga Awtoridad sa Cauayan City

*Cauayan City, Isabela*- Narekober ng mga awtoridad ang ilang kagamitan na ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo sa isang warehouse sa Brgy. Minante Dos, Cauayan City, Isabela.

Una rito, sinira ang mga nasabing kagamitan sa mismong harap ng city hall na pinangunahan ng mga lokal na opisyal at mga kinatawan ng mga kilalang kumpanya ng sigarilyo sa bansa.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, pag mamay-ari ito ng mga Chinese national na naaresto din kamakailan sa parehong warehouse dahil naman sa sinasabing pagawaan umano ito ng mga pentel pen pero lumabas sa imbestigasyon ng pulisya maging sa tulong na rin ng mga residente sa lugar ay nabisto na ito ay pagawaan ng mga pekeng sigarilyo.


Aniya, hindi pa man ito nakakapaglabas sa merkado ng mga gawang pekeng sigarilyo ay tinitiyak ng lokal na pamahalaan ng cauayan na paiigtingin nila ang koordinasyon sa mga residente upang matiyak na wala ng mangyayaring ganitong iligal na magooperate sa lungsod.

Iniutos na rin ni Mayor Dy sa mga awtoridad na suriin ang pagkakakilanlan ng mga Chinese National sa Bureau of Immigration pero lumalabas na nakaalis na ang mga ito sa bansa bago pa man makumpiska ang nasabing pagawaan ng pekeng sigarilyo.

Facebook Comments