Nilinaw ng Department of Health (DOH) na nakadepende sa downtrend ng COVID-19 cases ang pagbaba ng Alert Level 4 sa Metro Manila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bumaba na sa 13,500 ang average daily new cases ng COVID-19 mula Setyembre 29 haggang Oktubre 5.
Ito ay 23 percent na mas mababa kumpara sa naitatalang 17,500 average daily news cases noong mas naunang mga linggo.
Tiniyak naman ni Duque na pinag-aaralang mabuti ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mga datos para sa susunod na quarantine status sa ilang piling lugar.
Una nang isinailalim ang Metro Manila sa Alert Level 4 noong Seytembre 16 hanggang 30 at pinalawig hanggang Oktubre 15.
Facebook Comments