Bumaba na ang bilang ng mga indibidwal na naaresto dahil sa paglabag sa ipinatutupad na “No Vaccination No ride” policy sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos, batay sa datos ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), mula sa 160 naitalang violators nitong January 17 bumaba na ito sa walo nitong nakalipas na Byernes.
Sinabi ni PNP Chief, magandang senyales ito na unti-unti nang nakakapag-adjust sa policy ang publiko lalo na ang mga hindi bakunadong indibidwal.
Kaugnay nito, paalala naman ni Carlos sa mga deputized PNP personnel na laging pairalin ang maximum tolerance sa pagsaway sa mga violators.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang maigting na COMELEC-PNP-AFP checkpoints para tutukan din ang mga Public Utility Vehicles kung nasusunod ang limitation to capacity.