DOH, pinapahanap ng funding sources para sa pag-hire ng dagdag na healthcare workers

78

Umapela si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa Department of Health (DOH) na maghanap ng funding sources para pang-hire ng dagdag na mga healthcare workers sa mga pampublikong ospital sa bansa.

Kaugnay ito ng pagkakasakit na rin ng mga medical frontliners ng COVID-19 bunsod ng Omicron variant.

Ito aniya ang kanyang naobserbahan sa kanilang mga pagamutan sa ikalawang distrito ng Albay kung saan kinukulang na rin sila ng mga healthcare workers na titingin sa mga pasyente dahil sila mismo ay nagkakasakit na at kailangang lumiban ng ilang araw sa trabaho.


Giit ni Salceda na dapat humanap na ngayon ng funding sources ang DOH upang makapag-hire agad ng mga healthcare workers sakaling lahat ng mga personnel ay kailanganing mag-isolate.

Tinukoy ng kongresista na dahil mild lang ang Omicron ay mayroon pa ring sapat na hospital beds at ICUs ang mga pagamutan pero mas malaking problema ang pagtaas ng positivity rate sa hanay ng mga medical workers.

Dagdag pa ng mambabatas, ang concern ngayon ay tiyaking ang mga ospital sa bansa ay kayang asikasuhin ang mga kababayang may ibang sakit at nangangailangan ng medikal na pangangalaga.



Facebook Comments