Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na dahil sa pagbaba ng COVID-19 test ay hindi na alintana ng publiko ang muling pagtaas ng kaso ng virus at ang posibilidad na magkaroon ito ng mapanganib na mutation.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, nakapagtala ang ahensya ng 15,000 nasawi sa COVID-19 kung saan ito ang pinakamababang lingguhang kaso simula March 2020.
Bagama’t ito ay isang “welcoming trend,” maaari aniyang mabawasan pa o itigil na ang mga ginagawang test sa COVID-19.
Sa ngayon kasi ay bumagsak nasa 70% hanggang 90% ang testing rate ng COVID-19 sa buong mundo.
Mapanganib ito dahil posibleng mabawasan din ang mga isinasagawang pag-aaral sa pattern ng transmission at evolution ng nakamamatay na virus.