KOPONAN NG CAGAYAN, PINAKAMARAMING NAKUHA NA GINTONG MEDALYA SA KASALUKUYANG DOS RISE

19
Cauayan City, Isabela- Sa ikatlong araw ng Regional Invitational Sporting Event, nangunguna pa rin ang koponan ng Lalawigan ng Cagayan sa may pinakamaraming nakuhang medalya sa ginaganap na Dos RISE sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa partial at unofficial results Medal tally ng DepEd Dos RISE kaninang alas dos ng hapon, April 27, 2022, nakapag bulsa na ang SDO Cagayan ng dalawamput dalawang gintong medalya, dalawamput apat na silver medals at labing walong Bronze medals.

Tumaas naman sa labing isang gintong medalya, labing tatlong pilak at labing anim na tansong medalya ang Lalawigan ng Isabela.

Nakakuha naman ng tig-pitong ginto at pilak at anim na tansong medalya ang SDO Nueva Vizcaya.

Ang SDO Tuguegarao City ay mayroon ring nakuhang tig-pitong ginto’t pilak at limang tansong medalya.

Nakahuha naman ng anim na ginto, tatlong pilak at isang tansong medalya ang SDO Santiago City.



Ang koponan ng Quirino Province ay nakapag bulsa naman ng tig-tatlong gold at silver medals at pitong bronze medals.

Nakakuha na rin ng tatlong ginto, apat na silver at anim na bronze medal ang SDO Ilagan City habang Ang SDO Cauayan City naman ay mayroon na rin isang ginto at isang tansong medalya.


Nananatili naman sa dalawang gold medals ang nakuha ng SDO Batanes.

Facebook Comments