Pagbaba ng crime rate sa loob ng dalawang araw, naitala ng PNP

Malaki ang ibinaba ng crime rate sa buong bansa sa loob ng dalawang araw mula Setyembre 18 hanggang 19.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) Crime Research Analysis Center, bumaba ang index crimes sa 34 na kaso nitong Lunes mula sa 83 kaso noong Linggo.

Kinabibilangan ito ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, at carnapping.


Habang ang mga non-index crimes naman ay bumaba sa 89 na kaso mula sa 721 kaso sa loob ng naturang panahon.

Ayon kay PNP chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., doble ang pagsisikap ng Pambansang Pulisya laban sa kriminalidad alinsunod sa bilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking ligtas ang mamamayan sa komunidad.

Facebook Comments