Alicia, Isabela- Masayang ibinahagi ni Police Senior Inspector Darwin John Urania hepe ng PNP Alicia ang pagbaba ng crime volume sa kanilang nasasakupang bayan sa batay sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo kahapon June 10, 2018.
Aniya, malaki umano ang naitulong ng kanilang isinasagawang beat patrol system sa pagbaba ng krimen sa kanilang nasasakupang bayan dahil sa puspusang pagbabantay at pagtutok ng mga kapulisan sa pangangalaga ng seguridad at kaayusan.
Batay ibinahaging datos ni PSI Urani sa RMN Cauayan, mula umano buwan ng Enero hanggang Hunyo noong nakaraang taon ay aabot hanggang 115 recorded crime volume ang naitala sa kanilang bayan habang ngayong 2018 mula Buwan ng Enero hanggang Hunyo ay bumaba ito ng sampu hanggang labing dalawang porsyento.
Unang-una naman sa listahan ng PNP Alicia ang mga insidente sa kalsadang kinasasangkutan ng mga irresponsible at walang disiplinang drayber na kadalasan pa umano ay mga positibo sa mga nakalalasing na inumin.
Samantala, aabot naman sa 60 hanggang 70% sa mga insidenteng ito ay nangyayari sa mga highway regions ng Alicia gaya ng Brgy. Del Pilar, Burgos, Apanay, Victoria at San Fernando.