Matatandaan na nitong nakaraang buwan ng Agosto, bahagyang tumaas ang generation charge o singil sa kuryente ng kooperatibang CENPELCO sa mga konsyumer nito na nasa P8.4817 kada kilowatt hour.
Ngayon buwan naman ng Septyembre naitala ang pinamababang generation charge kung saan base sa bagong datos ng Central Pangasinan Electric Cooperative o CENPELCO pumalo lamang ito sa P7.8736 kada kilowatt hour (kWh) ng kuryente ng mga konsyumer.
Sa generation charge ngayong buwan ng Setyembre, ang mga kabilang sa residential consumer ay papalo sa P12.6801 ang kabuuang presyo ng kada kilowatt hour (kWh) ng kuryente, P11.8997 ang para sa mga Low Voltage Consumer habang High Voltage Consumer naman ay na sa P9.7143.
Dagdag pa rito ay hindi pa kasama ang subalit hindi pa kasama ang VAT sa mga nabanggit na charge.
Samantala, matatandaan din na nitong taong 2023 napansin na nagkaroon ng patuloy na pagbaba sa generation charge na noong buwan ng Enero ay nasa P14.4944 ngayon halos nakalahati na ang singil ng kuryente. |ifmnews
Facebook Comments