Pagbaba ng halaga ng piso, maganda pa para sa mga Pilipino ayon kay Secretary Diokno

Manila, Philippines – Hindi nababahala si Budget Secretary Benjamin Diokno sa pagbaba ng piso kontra dolyar.

Batay kasi sa huling tala ay nasa mahigit 50 piso ngayon ang palitan sa bawat dolyar at ito ay isa sa pinaka mababang halaga ng piso sa loob ng halos 11 taon.

Ayon kay Diokno, kapag mababa ang halaga ng piso kontra dolyar ay magbebenepisyo dito ang mga exporters lalo na ang mga Pilipinong may kamaganak na Overseas Filipino Worker.


Sinabi din ni Diokno na matatag ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa tuloy-tuloy na pasok ng dolyar sa bansa dahil sa remittances at maging sa Business Process Outsourcing Industry sa Pilipinas.

Patunay lang aniya dito ang masaganang Gross International Reserves at ang Stock Foreign Exchange ng bansa.

Kinumpirma din naman ni Diokno sa kauna-unahang pagkakataon ay isusumite ng ehekutibo sa kongreso ang 2018 proposed national budget sa araw mismo ng sona ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments