Pagbaba ng inflation rate, inaasahan ni PBBM sa second quarter ng taon

Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bababa na ang inflation rate dahil sa bumabang presyo ng langis at imported agricultural products.

Ayon sa pangulo, inaasahan nIyang bababa ang inflation rate sa second quarter ng taong ito matapos na makapagtala ng 8.7 inflation rate nitong nakalipas na buwan.

Ipinunto ng pangulo malaki ang epekto ng pagbaba ng presyo ng langis at agricultural products para mapababa ang inflation rate.


Ang importasyon aniya ng mas maraming agricultural products ay may malaking epekto sa paggalaw ng inflation rate.

Dagdag ng pangulo na una nang nagawa ang ilang mga hakbang para mapataas ang supply ng agricultural products para mas mapapababa ang presyo nito pero kailangan lang aniya ng konting panahon.

Batay sa forecasts ng International Monetary Fund (IMF) ang global growth ng bansa ay bababa sa 2.9 percent ngayong taong 2023 at may projected na tumaas 3.1 percent sa taong 2024.

Facebook Comments