Higit 50 aplikante, na-hire on the spot sa mega job fair ng Parañaque City PESO katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Umaabot sa higit 50 aplikante ang hired on the spot sa isinasagawang mega job fair ng Public Employment Service Office (PESO) ng lokal na pamahalaan ng Parañaque katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Sa nasabing bilang, nasa 23 ang lalaki habang 30 ang babae na pawang na-hire bilang crew, staff, helper at cashier.

Umaabot na rin ng halos 300 ang nagtungong mga aplikante sa isinasagawang mega job fair na sinimulan ng alas-10:00 ng umaga na ginaganap sa Ayala Mall Manila Bay sa lungsod ng Parañaque.


Magtatagal naman ang mega job fair ng hanggang alas-4:00 ng hapon kaya’t may pagkakataon pa para makapag-aplay ang ibang naghahap ng trabaho.

Maaari rin namang lumapit ang mga aplikante sa booth ng DZXL Radyo Trabaho kung nais rin malaman o makakuha ng impormasyon kung anong mga trabaho ang maaari nilang aplayan kung saan makakausap nila ang ating Radyo Trabaho Head na si Mama Lou at si kuya Glenny.

Kaugnay nito, nagpapasalamat ng lubos ang PESO Parañaque sa mga kompaniya at agency na nakiisa sa mega job fair gayundin sa DZXL Radyo Trabaho sa suporta na ipinagkakalaoob para sa lahat ng kanilang programa.

Facebook Comments