Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na malaking hamon ngayon sa pamahalaan kung papaano mapapababa ang inflation.
Kasunod ito ng paglago ng ekonomiya matapos maitala ang 7.6 percent GDP growth rate para sa taong 2022.
Ayon kay Gatchalian, ang isang mahalagang hamon na dapat tugunan ay ang maibaba ang inflation rate partikular na ang mataas na presyo ng pagkain.
Dagdag pa sa mga hamon ay kung paano mapapakinabangan ng mga Pilipino ang naturang pagunlad ng ekonomiya sa kabila ng mga epekto ng global pandemic.
Umaasa si Gatchalian na magreresulta rin sa pagsigla ng bansa ang pagpapahusay ng revenue collection na magiging daan para masuportahan at mapalawak ng pamahalaan ang mga programa tungo sa full-recovery ng bansa.
Facebook Comments