Bahagyang bumagal ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang bansa ng average na 534 na kaso bawat araw mula Marso 10 hanggang 16.
Ito aniya ay 29 porsiyentong mas mababa kaysa sa average na 752 na kaso noong nakaraang linggo.
Sinabi naman ni Vergeire na halos kalahati o 49.96 percent ng mga hospital admissions ay mild at asymptomatic cases, 37.76 percent ang moderate at 12.47 percent ang severe at critical cases.
Facebook Comments