Daily COVID-19 bulletin, posibleng ibalik ng DOH

Posibleng ibalik ng Department of Health (DOH) ang arawang COVID-19 bulletin kung magkakaroon muli ng surge ng mga kaso.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung ibabalik nila ang arawang bulletin ay magkakaroon na ito ng bagong format.

Aniya, iha-highlight pa rin sa COVID-19 bulletin ang bilang ng mga severe at kritikal na mga kaso, gayundin ang bilang ng admission sa ospital gaya ng nakikita sa kasalukuyang lingguhang disenyo.


Umaasa aniya ang gobyerno na mailipat ang pag-iisip ng publiko na tumutok lamang sa mga kaso na nangangailangan ng pansin habang mamuhay kasama ang virus.

Facebook Comments