Bahagyang bumagal ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tila naulit ang nangyari sa bansa katulad noong isang taon.
Tumataas din ang bilang ng nasa severe at critical case ng COVID-19 sa bansa.
Nangangamba naman si David na posibleng hindi na maabot ng Pilipinas ang target na 1 libong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw na magaganap sa Nobyembre.
Sa ngayon, nasa 0.38 ang reproduction rate o bilis ng hawaan sa Metro Manila na mas maganda ang kalagayan kumpara nakaraang taon.
Facebook Comments