5 bata patay habang 2 sugatan matapos ang landslide sa Iligan City

Nasawi ang limang bata habang dalawa ang nasugatan matapos ang naganap na landslide kahapon sa Mandulog, Illigan City sa Lanao del Norte.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), naganap ang insidente sa Purok 2 Taparak, Barangay Mandulog kung saan aabot sa walong kabahayan ang apektado.

Pawang kabilang sa iisang pamilya ang nasawi na siya; Shemabel, pitong buwang gulang; Trishamae, 3-anyos; John Kent, 6-anyos; Sean 4-anyos; at CJ Barulan, 8-anyos.


Habang ang mga sugatan ay sina Sheila Mae Barulan, 26-anyos; at Jessie Barulan 24-anyos.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang barangay captain ng lugar sa gobyerno para sa gagawing paglilinis at muling pagbabalik ng kuryente.

Facebook Comments