Pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Quezon City, pinuri ng National Task Force Against COVID-19 CODE Team

Ikinalugod ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 CODE Team ang nagampanan ng Quezon City sa pagpapababa ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa pagbisita ng NTF CODE TEAM sa QC, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi naging madali ang paglaban sa COVID-19 lalo na sa isang malaki at malawak na siyudad.

Aniya, ang QC Government na rin ang unang Local Government Unit (LGU) na nagkasa ng tripartite agreement para sa pagbili ng isang bilyong pisong COVID vaccine.


Pero limitado lamang aniya ito sa higit 500 libong residente para sa kabuuang 3 milyong populasyon ng lungsod.

Nangako si Nograles na aakuin na ng National Government ang pagbabakuna sa matitirang 2.1 milyong residente.

Umaasa ang pamahalaan na magiging successful ang roll out ng vaccination na unang pasisimulan sa Metro Manila.

Dito na kasi sa National Capital Region (NCR) nakatuon ang atensyon ng ibang rehiyon para mag obserba kung ligtas at kung magkaroon ng masamang epekto ang bakuna.

Facebook Comments