Lingayen Pangasinan – Bagamat bumaba ng 10% ang kaso ng dengue sa Pangasinan ikinababahala ito ng Provincial Health Office (PHO) dahil sa mas mababa ito sa target. Layon ng PHO na mapababa pa ito ng 50% habang papalapit ang tag-ulan kung saan mas mataas ang kaso ng nasabing sakit.
Sa latest monitoring ng PHO mayroon 1,100 na kaso ngayong taon simula noong Enero hanggang Mayo. Mababa ito kumpara sa 1,200 na kaso sa parehas na mga buwan noong nakaraang taon na pumalo sa 1,200. Isa lamang ang namatay ngayong taon sa nasabing sakit mas mababa kumpara sa bilang na 6 casualties noong nakaraang taon.
Ayon kay Dr. Anna De Guzman, PHO Health Officer isa sa nakikitang dahilan kung bakit nasa 10% lamang ang pagbaba ng kaso ng dengue sa lalawigan ay dahil sa pagkakaroon ng kakulangan sa tubig kung saan napipilitang mag-imbak ang mga mamamayan at nakakaligtaang takpan ang mga nasabing imbak kaya nagiging pangitlugan ng mga lamok dagdag pa ang mga stagnant water na dulot ng pag-ulan sa hapon.
Samantala inaasahan na mas lolobo pa ang bilang ng kaso ng dengue sa pagpasok ng tag-ulan kaya naman paalala na patuloy lamang sa paglilinis ng kapaligiran at agarang pagkonsulta kung nakakaranas na ng sintomas ng nasabing sakit.