Epektibo ang isinasagawang cloud seeding operations sa Angat watershed.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David Jr., kahapon ay nasa 190.75 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam, mababa kumpara sa mga naunang taon subalit masasabi aniyang kahit papano ay umuubra ang cloud seeding operations.
Kasunod nito, tiniyak ni David na wala silang nakikitang krisis sa suplay ng tubig kahit pa bumababa ang antas ng tubig sa Angat Dam ngayong panahon ng tag-init.
Ito ay dahil na rin sa isinagawa nilang mga hakbang upang mapanatiling stable ang suplay ng tubig.
Nabatid na ang Angat Dam ang nagsu-supply ng 90% ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.
Facebook Comments