Higit 12,000 doctor sa buong bansa, sumuporta sa kandidatura ni Leni at Kiko

326

Mahigit sa 12,000 doctors mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagpakita ng suporta sa kandidatura ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo maging sa running mate nito na si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa kanilang statement of support na binasa ni Dr. Gia Sison, sa tambalang Leni at Kiko lang nila nakita ang katangian at malasakit sa mamamayang Pilipino.

May malinaw anilang plataporma ang kampo ni Robredo upang wakasan ang hirap na dulot ng pandemya at iangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.


Saksi raw sila sa masamang epekto ng maling pamamahala ngayong pandemya na nagdulot ng matinding kahirapan at pagkamatay ng maraming health workers.

Naniniwala sila na ngayon na ang panahon na maging makatotohanan at manindigan upang pahalagahan ang buhay.

Facebook Comments