Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na bumaba ang bilang ng pamilyang Pilipino ang nagugutom.
Batay sa resulta ng Survey ng Social Weather Station o SWS ay ipinapakita na 2.4% ang ibinaba ng hunger rate sa bansa sa loob ng nakalipas na 3 buwan at pinaka mababa sa nakalipas na 13 taon.
Sa ngayon ay nasa 9.5% nalang ang hunger rate mula sa 11.9% na naitala noong Marso.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, magsisilbi itong inspirasyon sa Duterte Administration para mas iangat pa ang buhay ng mga Pilipino.
Pero nilinaw nito na marami pa ang dapat gawin ng Administrasyon upang maisakatuparan ang pangarap na komportableng buhay sa mga mahihirap na Pilipino.
Facebook Comments