Pagbaba ng minimum age sa criminal liability, pasado na sa ikalawang pagbasa, MACR itinakda na sa 12 anyos

Manila, Philippines – Pasado na rin sa ikalawang pagbasa sa plenaryo ang House Bill 8858 o pagbaba sa minimum age of criminal liability(MACR) kung saan nagkaroon ng pahabol na pagbabago sa edad ng mga kabataang mapapanagot sa paglabag sa batas.

Ayon kay Justice Committee Chairman Doy Leachon, pinalitan na sa 12 anyos sa halip na 9 na taong gulang ang MACR.

Dumaan umano si Leachon sa konsultasyon sa mga kongresista at inamin na may mga umaayaw at may reservation sa unang 9 na taong gulang na MACR.


Muli nitong nilinaw na hindi ikukulong at ituturing na criminal ang mga children in conflict with the law.

Ang mga batang nakagawa ng krimen tulad ng murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping, rape with homicide at paglabag sa Dangerous Drugs Act ang tanging sasailalim sa rehabilitation at confinement sa Bahay Pagasa o sa Agricultural Camp at training center.

Ang mga tao o sindikatong gagamit sa mga kabataan sa paggawa ng krimen ay mahaharap sa kaukulang parusa.

Tiniyak ni Leachon na ‘confidential’ ang mga records ng mga batang lumabag sa batas.

Facebook Comments