Pagbaba ng minimum height requirement sa PNP, BFP, BJMP at BuCor, lusot na sa huling pagbasa

135
Photo Courtesy: PRCBoard.com

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagbababa sa minimum height requirement ng mga aplikante o nais maging myembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor).

Sa botong 203 ‘Yes,’ 0 ‘No’ at 6 ‘Abstention’ ay nakalusot ang House Bill 8261 o ‘PNP, BFP, BJMP and BuCor Height Equality Act’.


Inaamyendahan ng panukala ang Republic Act o RA 6975 o ang “Department of the Interior and Local Government Act of 1990”, maging ang RA 9263 o ang “Bureau of Fire Protection and Bureau of Jail Management and Penology Professionalization Act of 2004 at ang RA 10575 o “Bureau of Corrections Act of 2013”.

Sa ilalim ng panukala ay itatakda na sa 1.57 meters ang minimum height requirement sa mga lalaki habang 1.52 meters naman sa mga babaeng aplikante na nais maging PNP, BFP, BJMP at BuCor personnel.

Ibinaba ang minimum height requirement dahil nakita na ito ay isang discriminatory act, unlawful at hindi rin sukatan ang taas at laki para mapatunayang karapat-dapat ang isang tao sa propesyon.

Facebook Comments