Pagbaba ng nababakunahan kada araw sa Pilipinas, bunsod ng limitadong manpower – NTF

Bumaba ang arawang COVID-19 vaccination sa Pilipinas dahil sa limitadong manpower.

Nabatid na mula sa 700,000 injections per day, bumaba ito ngayon sa 400,000.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 consulant Dr. Ted Herbosa, hindi na ang suplay ng bakuna ang problema ngayon kundi ang manpower na mangangasiwa sa vaccination centers.


Bukod dito, mas kailangan kasi ngayon ang mga health workers sa mga ospital sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Herbosa sa gobyerno na hikayatin ang mga medical students na magboluntaryo sa mga vaccination centers.

Facebook Comments