Pagbaba ng presyo ng manok sa Cebu, ramdan na

Cebu – Naitala na rin ang pagbaba sa presyo ng karneng manok sa mga merkado sa lungsod ng Cebu dahil sa takot sa bird flu na umatake sa mga manok sa ilang lugar sa Pampanga.

Ayun sa hepe ng Cebu City Market Operations Division na si Winefredo Miro, mula sa dating presyo na P130-P150 bawat kilo ng karneng manok, bumaba na ito sa P120-P140 ang kada-kilo.

Bunsod na rin ito ng pagtumal sa bentahan ng karneng manok sa merkado mula nang makompirmar ang bird flu outbreak sa Pampanga noong nakaraang linggo.


Ngunit muling tiniyak ng mga otoridad na nananatiling ligtas sa kinatatakutan na bird flu virus ang mga karneng manok sa Cebu.

Facebook Comments