Manila, Philippines – Magsilbi na sanang wake-up call kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang ibinagsak ng ratings nito ngayong 3rd quarter ng taon sa inilabas na SWS survey.
Giit ni Akbayan Rep. Tom Villarin, mabigat ang implikasyon ng ibinaba ang satisfaction ratings ni Alvarez mula sa +16 noong Hunyo ay nasa +8 na lang ngayong Setyembre.
Ibig sabihin ng pagbaba ng ratings ay inaayawan ng publiko ang pagtulak ni Alvarez sa mga polisiya ni Pangulong Duterte lalo na sa isyu ng martial law at ang impeachment.
Hindi aniya dapat balewalain ng speaker ang pagbagsak ng ratings nito dahil malaking porsyento ng ibinaba ng ratings nito ay mismong sa mga kababayan pa nito sa Mindanao.
Samantala, malaki ang paniniwala ni Villarin na kaya naman tumaas ang net satisfaction ratings ni Vice President Leni Robredo mula sa +36 noong Hunyo ay nasa +41 na sa Setyembre ay dahil ginamit nito ang natural strength sa pagtutok na hanapan ng solusyon ang kahirapan.