Sunud-sunod na mga pag-atake, isinisi sa pagbaba ng rating ni Chief Justice Sereno

48

Manila, Philippines – Isinisisi ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pagbaba ng net satisfaction ratings ang sunod-sunod na atake ng mga kritiko.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ng Punong Mahistrado, inaasahan na aniya nila ito dahil sa mga smear campaign laban sa Chief Justice.

Ayon kay Atty. Deinla, nitong mga nakalipas na buwan ay hindi tinitigilan ng pag-atake sa publiko si Sereno at ito aniya ay bahagi ng pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Nanindigan din ang kampo ng Punong Mahistrado na walang nagawang impeachable offense si Sereno at tuloy ang paggampan nito sa kanyang constitutional mandate ano man ang resulta ng mga survey.

Facebook Comments