Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Liberal Party o LP President Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pagbaba o bawas na 11 percent sa satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Pangilinan, natural lang ito na magkakaroon ng mga pagbaba o kaya naman ay pagtaas sa net satisfaction rating ng Pangulo at ikalawang Pangulo ng bansa.
Pahayag ito ni Pangilinan, makaraang bumaba sa 26 percent ang satisfaction rating ni VP Leni sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS na isinagawa nitong nagdaang March 25 to 28.
Para kay Senator Pangilinan ang nabanggit na 11-point-drop ay nangangahulugan na mayroong bahagi ng ating populasyon ang hindi sumusuporta sa mga paninindigan ni VP Leni.
Nation”
Facebook Comments