Pinasalamantan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtupad ni Finance Secretary Ralph Recto na ibaba ang ipinapataw na taripa sa bigas upang mas bumaba sa P50 kada kilo ang presyo nito.
Ayon kay Romualdez, sa paraang ito ay mas magiging abot-kaya ang presyo ng bigas ng hindi naman dehado ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Paliwanag ni Romualdez, layunin ng pagbabawas sa taripa na matugunan ang mataas na presyo ng bigas na dulot ng mapagsamantalang trader, epekto ng El Niño, at mataas na halaga sa pandaigdigang merkado.
Sa kabila nito ay tiniyak naman ni Romualdez na patuloy na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na mula sa buwis na sinisingil base sa Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law.
Tinukoy ni Romualdez na batay sa datos ng Department of Finace o DOF, hanggang nitong Abril ay umabot na ang koleksyon ng taripa sa imported na bigas sa P16 bilyon na lagpas sa minimum na P10 bilyon na nakalaan sa RCEF.