Umaasa si Senator Chiz Escudero na magreresulta sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin pa ang Executive Order para sa mababang taripa sa mga vital food imports tulad ng bigas at iba pang mahahalagang pagkaing inaangkat sa bansa.
Kasabay nito ang pagkalugod ni Escudero sa naging pasya ng pangulo na ang layunin ay maibsan ang epekto ng mataas na inflation at makabili ang mga Pilipino ng pagkain lalo ngayong holiday season.
Para kay Escudero, hindi kwestyonable ang naging hakbang na ito ni Pangulong Marcos.
Paliwanag ng senador, may kapangyarihan ang lider ng bansa na ibaba o kaya ay itaas ang tariff rates habang naka-recess ang sesyon ng Kongreso.
Sa desisyon ni Marcos, hanggang sa katapusan ng susunod na taon ang pinalawig na mababang taripa para sa mga mahahalagang food import.