Pagbaba ng taripa sa pork imports, ‘win-win’ para sa lahat – DA

Mapapakinabangan ng husto ang naaprubahang pagtapyas sa taripa sa mga inaangkat na karne ng baboy.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mapapababa nito ang retail price ng baboy sa merkado.

Asahan ang abot kayang presyo ng baboy ngayong ibinaba ang taripa at nagpapatuloy ang repopulation program.


Layunin din nito na matugunan ang kakulangan sa supply at impluwensyahan ang market prices na bumaba.

Ang Department of Agriculture (DA) ay nagpatupad na ng Suggested Retail Price (SRP) sa imported na baboy.

Ang presyo ng Kasim ay nasa 270 pesos kada kilo habang ang Liempo ay nasa 350 pesos kada kilo.

Para pasiglahin ang local hog industry na pinadapa ng African Swine Fever (ASF), nagpapatupad ang DA ng 600 million peso swine repopulation program na nakatuon sa mga lugar na hindi na nasa ilalim quarantine.

Facebook Comments