Naniniwala si OCTA Research Dr. Guido David na bababa na ang trend ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni David na maaaring naabot na ang peak kasunod ng pagkakatala sa bansa ng dalawang libong kaso ng virus sa limang sunod-sunod na araw.
Batay sa pagtaya ni David, sa daily positivity rate, pinakamataas nilang nakita ay noong July 15 at kasunod nito’y pagbaba na nitong July 16 at 17.
Mula aniya sa 14% ay bumaba na ang positivity rate sa Metro Manila ng 12%.
Pero, kalakhang Maynila pa lamang aniya ito at hindi sa buong bansa lalo’t ilang mga lugar ang nakikitaan pa nila ng pagtaas ng COVID cases.
Ilan na dito ay CALABARZON, Central Luzon at Western Visayas na dito ay nakikitaan ng papataas na positivity rate habang mayruon ding pagtaas sa Pangasinan, La Union at Cagayan