Bubuo sa liderato ng Kamara, malalaman sa susunod na linggo

44

Malalaman na sa susunod na linggo ang bubuo sa liderato ng Kamara gayundin ang mga uupo sa bawat komite.

Ito ang tiniyak ni presumptive House Speaker Martin Romualdez sa tanong kung may napili na ba siyang majority leader at ang iba pang kakatawan sa House leadership.

Ayon kay Romualdez, sa Lunes, July 25, sa pagbubukas ng unang sesyon ng 19th Congress ilalatag ang mga bubuo sa liderato ng Kamara.


Posibleng naman aniyang ang mga kukunin nila ay ang mga handang magsakripisyo, magtatrabaho nang husto, at susuporta sa mga panukalang pagtitibayin sa Kamara.

Samantala, pagdating naman sa iba pang mahahalagang posisyon tulad ng Committee Chairmanship, sinabi ni Romualdez na patuloy ang kanilang konsultasyon tungkol dito.

Ikokonsidera aniya nila ang time-honored traditions ng tamang representasyon na ibabatay sa political parties, seniority, merit, experience at inisyatibo na magsakripisyo para magampanan ang tungkulin.



Facebook Comments