Manila, Philippines – Bumaba ang unemployment at underemployment rate sa bansa.
Ito ay base sa pinakahuling Labor Force Survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, mula sa dating 6.1 percent na naitala noong nakaraang taon ay nasa 5.7 percent na lamang ito ngayong taon.
Pero kahit na ikinatuwa ng ahensya ang resulta ng survey ay hindi naman maitanggi ni Bello na nababahala pa rin sila na halos kalahati ng mga walang trabaho sa kasalukuyan ay mula sa mga indibidwal na may edad na 15 hangang 24 anyos.
Pero, nananatili namang positibo ang kalihim na malulunasan ang problemang ito sa mga kabataan lalo pa’t mayroong mga programa ang ahensya para tulungan silang maghanap ng trabaho.
Dagdag pa ni Bello, target ng ahensya na maibaba ang unemployment rate sa 3 hanggang 5 porsyento pagsapit ng 2022.