Pagbaba ng unemployment rate, hindi sapat ayon sa grupong Nagkaisa Labor Coalition

Naniniwala ang grupong Nagkaisa Labor Coalition na bagama’t ang napaulat na pagbaba ng unemployment rate mula 17.7% noong April hanggang 10% nitong July ay natural lamang dahil bukas umano ang ating ekonomiya.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Chairperson Atty. Sonny Matula, kaaya-aya ang naturang pagbaba ng unemployment rate, subalit kung ikukumpara umano sa unemployment noong July 2019, ang current level ng unemployment ay nanatiling mataas dahil sa resulta ng krisis sa ekonomiya dulot ng COVID-19 pandemic at ang masyadong konserbatibo ang pagtugon ng pamahalaan upang makarekober.

Paliwanag ni Matula, kung hindi magiging agresibo sa programa ang pamahalaan ang napaulat na jobs recovery, lalung-lalo na pagtugon sa merkado ay hindi sapat para matuldukan ang unemployment rate sa katapusan ng taon 2020.


Giit ni Matula, makahanap man ng trabaho ang mga manggagawa pero ang kanilang sahod ay hindi sapat upang matugunan ang pangangailangan nila araw-araw kaya’t mapipilitan silang maghahanap ng karagdagang kita.

Naniniwala si Atty.Matula na kinakailangan lumikha ng bagong oportunidad na trabaho na naaayon sa kanilang pangangailangan araw-araw.

Facebook Comments