Pagbaba pa sa Alert Level 2 ng Metro Manila, hindi imposible – Palasyo

Ang mga itinakdang indicators pa rin ang magiging basehan kung mananatili sa Alert Level 3 o bababa na sa Alert Level 2 ang Metro Manila.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque kasunod ng pahayag ng OCTA Research group na malaki ang tyansya na ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso sa rehiyon.

Ayon kay Roque, ang datos pa rin ang titignan ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago ito magdesisyon ng Alert Level sa susunod na buwan.


Kabilang sa mga indicators na ito ay ang Daily Attack Rate (DAR), two-week daily average attack rate at ang critical healthcare capacity.

Kasunod nito, binigyang diin ng kalihim na hindi mangyayari ang pagluluwag pa ng restrictions sa NCR kung magpapabaya ang publiko.

Aniya, hangga’t nananatili ang banta ng COVID-19 mainam na sundin parin ang minimum health standards tulad ng mask, hugas, iwas at ang pagpapabakuna.

Facebook Comments