Pinag-uusapan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang posibilidad na ibaba sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).
Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na bumaba na sa ‘low risk category’ ang Metro Manila.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, babalangkas ang Technical Working Group (TWG) ng komprehensibong alintuntunin para sa pagpapairal ng Alert Level 1 ngunit kailangang pag-isipan ito ng mabuti dahil madaling sabihin na mababa nalang ang mga kaso.
Dagdag pa ni Año na kapag ibinaba ang Alert Level 1 ang NCR ay mawawala na ang lahat ng restrictions at minimum public health standards na lamang ang ipapatupad.
Samantala, kailangan ding ikonsidera sa ilalabas na resolusyon ng IATF ang pangangampanya para sa papalapit na eleksyon.