Pagbaba sa Alert Level 1 ng NCR, ihihirit ng MMC sa IATF

Hihilingin ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibaba pa sa Alert Level 1 ang Metro Manila kapag tuluyan nang bumaba ang kaso ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA Officer in Charge General Manager Atty. Romando Artes na nakatutok sila ngayon sa datos.

Kapag nakita aniya nilang naabot na ang threshold para sa pagbaba ng alert level ay kanila aniyang irerekomenda sa IATF ang Alert Level 1.


Sa pakikipag-usap niya sa mga alkalde sa Kalakhang Maynila, wala namang tutol sa mga ito.

Mithiin lamang ng Metro Manila mayors na tuluyan nang mabuksan ang ekonomiya sa buong NCR na sentro ng komersyo sa buong bansa.

Facebook Comments