Pagbaba sa Alert Level 3 ng Metro Manila, masyado pang maaga – DTI

Maaga pa para sabihin na maaari nang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, bagama’t nakikitaan na ng pagbaba ang kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na mga araw ay hindi naman tiyak kung magtutuloy-tuloy ito.

Hindi naman masabi ni Lopez kung ligtas nang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.


Pinayuhan naman ng kalihim ang publiko na huwag magpakampante kung maibababa na ang Alert Level system.

Sa ngayon, batay sa tala ng OCTA Reaserch group ay bumaba na sa 0.98 ang reproduction number sa bansa o ang bilis ng hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments