Pagbaba sa Alert Level Zero, pag-aralan ayon sa isang kongresista

Umapela si Deputy Speaker Loren Legarda sa pamahalaan na huwag na munang ibaba sa Alert Level Zero ang buong bansa.

Ayon kay Legarda, hindi dapat minamadali ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbaba sa Alert Level Zero dahil maaari pa ring magkaroon ng hawaan at pagkalat ng Coronavirus.

Sa ilalim kasi ng Alert Level Zero ay aalisin na ang lahat ng basic health protocols sa buong bansa kasama na rito ang pag-aalis ng face mask na posibleng maging mapanganib para sa mga Pilipino.


Dahil dito, umaapela ang Antique lady solon na masusing pag-aralan at timbanging mabuti ng mga health experts at pandemic managers ng pamahalaan ang posibleng pagbaba sa Alert Level Zero.

Bukod sa nariyan pa rin ang tsansang magkasakit ng COVID-19 ay milyun-milyong pang mga kababayan natin ang hindi pa kumpleto ang bakuna at hindi pa rin nagpapabakuna.

Facebook Comments